My BCWMH Addiction ~ iamgarie

An invisible thread connects those who are destined to meet regardless of time, place and circumstance. The thread may stretch or tangle, but it will never break. – Ancient Chinese Proverb

Before He Proposes (version 2)

Leave a comment

Written: AUGUST 21, 2013

A/N:  This  piece is inspired by the last part of the August 21 episode of BCWMH, where we find Sir Chief and Nanay Teresita conversing outside Emman’s condo.  It is not a continuation of Before He Proposes

Richard: Maya is really an AMAZING woman.
Nanay Teresita: Salamat, Richard. Alam mo, habang papunta kami dito ni Nanay, kinakabahan ako kasi di ko alam kung anong daratnan namin dito.
Pero mukhang maayos na naman ang lahat.
Richard: Ahhh, speaking of that… Buti nagkausap tayo.
Nanay Teresita: Bakit?
Richard: I would like to ask for your permission.
Nanay Teresita: Permission? Para saan?


Below is what I feel would be the most probable continuation of the conversation between Sir Chief and Nanay Teresita.  Happy reading!

author: iamgarie

~*~

BEFORE HE PROPOSES (version 2)

 By iamgarie

Richard: I would like to ask for your permission.

Nanay Teresita: Permission? Para saan?

Richard: I want to marry your daughter. Gusto ko na po sana mag-propose na ng kasal sa kanya.

Nanay Teresita: (stares at Richard, speechless)

Richard: You know how much I love your daughter. She’s the best thing that ever happened to me. Mahalaga po siya sa akin.

Nanay Teresita: Ganun din naman si Maya sa yo. Alam kong mahal na mahal ka din ng anak ko, Richard.

Richard: Opo. Kaya nga po sana hihingin ko na ang permiso niyo.

Nanay Teresita: Richard, alam na ba ng mga anak mo?

Richard: Ang nakakaalam pa lang po eh si Papa and si Rafi. Si Rafi po yung bestfriend namin ni Maya. Pero sasabihin ko na rin po sa mga bata mamayang gabi.

Nanay Teresita: Okay lang sa Papa mo? Hindi na siya kumokontra?

Richard: Opo, okay naman po kay Papa. At kahit hindi ko pa po nasasabi kay Mama, sigurado po akong hindi yun kokontra. Hindi ko po alam kung nakwento na sa inyo ni Maya, pero magkasundong-magkasundo po sila ni Mama. Sa konting panahon na nakilala si Maya ni Mama, mahal na mahal na po niya si Maya.

Nanay Teresita: (nods) Yung sa mga bata, sa palagay mo hindi na kokontra si Nikki sa mga pinaplano mo?

Richard: Nitong mga nakaraang linggo po, masyado na rin po naging malapit si Nikki at si Maya sa isa’t-isa. Minsan nga po, ako na mismo ang nagtatampo kay Nikki kasi may mga kino-confide na siya kay Maya na di niya kayang sabihin sa kin. Puro na po sila girl talk at di na nila ako isinasali…

Nanay Teresita: (nods and smiles) Ganun ba?

Richard: Maya is truly an amazing woman. She’s very loving and caring. Mahal niya lahat ng mahal ko. Mahal na mahal siya ng mga bata. Mahalaga kay Maya ang lahat ng mahalaga sa kin.

Nanay Teresita: At nahawa ka na rin kaya pati kaming pamilya niya naging mahalaga na sa yo.

Richard: Opo. Alam ko po, marami kayong inaalala. Bata pa si Maya at marami pa siyang pangarap na gustong matupad. Nangako po ako sa inyo noon na I will never stand in the way of her dreams and her happiness. Kasi alam ko kung gano niya lahat pinaghirapan ito. And like you, I want her to be all that she can be. Hindi pa rin po nagbabago yun. Mag-asawa man po kami, I will still continue to support her in pursuing her dreams. Her happiness matters to me.

Nanay Teresita: (almost in tears) Pero mahal na mahal mo siya kaya gustong-gusto mo na siyang pakasalan… Kilala ko ang anak ko Richard, at alam kong mahal na mahal ka rin niya. Sa dinami-rami ng mga nanligaw sa kanya wala siya ni isang napusuan man sa kanila. Ikaw lang talaga ang gusto niya, ang mahal niya. Unang beses pa lang kitang nakita noong magba-Bagong Taon, naramdaman ko na agad na espesyal ang anak ko para sa yo at ganun din siya sa yo.

Richard: (smiles) Opo.

Nanay Teresita: Malaki ang tiwala ko sa pagmamahal mo sa anak ko. Mabait ka rin namang tao. Pero bilang magulang, at palagay ko alam mo rin naman ito, ayaw ko lang ma masasaktan ang anak ko. Ayaw na ayaw ko rin iiyak siya…

Richard: Alam ko po yun. Ayaw ko rin pong masasaktan si Maya. Kaya nga po kami nagkatampuhan nung isang araw kasi pilit ko siyang iniiwasang masaktan sa nangyari sa amin ni Papa, pero kilala niyo naman po yung anak niyo.

Nanay Teresita: Gagawa at gagawa siya ng paraan para magkaayos ang mga taong mahal niya kahit na–

Nanay Teresita at Richard: SIYA NA MISMO ANG MAGSAKRIPISYO AT MASAKTAN. (They both laugh.)

Nanay Teresita: Mahal na mahal ko ang anak ko, Richard.

Richard: Opo. At nangangako po ako na wala akong gagawin kundi mamahalin siya at poprotektahan siya habang buhay.

Nanay Teresita: Pumapayag na ako. (smiles and in tears)

Richard: (smiles) Salamat po, Aling Teresita.

Nanay Teresita: Nanay, Richard. Tawagin mo kong Nanay.

Nanay Teresita opens her arms to Richard for a brief hug.

Nanay Teresita: (wipes her tears) O, tayo na sa loob. Baka nag-aalala na si Maya. Kelan mo pala balak mag-propose.

Richard: (smiles) Soon po… Bukas nga po pala, gusto ko po sana kayong invite sa bahay for dinner, para na rin po magkakilala kayo nina Mama at Papa.

Nanay Teresita: Sige Richard, pupunta kami.

After Richard and Maya’s mom re-enter Emman’s condo, Nanay Teresita runs towards Maya and envelopes her in a tight embrace, much to Maya’s utter surprise. 

Get ready, Maya! You’re in for the surprise proposal of your life! You’ll soon hear Richard say the words that will change your lives forever. Please don’t hesitate and do promise us you’ll say YES to him! 

 

Leave a comment